Hindi kailangan ng lahat na ma-test o magamot para sa Valley fever. Ang mga taong nagkasakit ng Valley fever ay maaaring may mga sintomas na tulad ng ubo, lagnat, hirap sa paghinga, at kapaguran na nawawala nang walang anumang paggamot. Kung may mga sintomas ka ng Valley feverna nagtatagal nang mahigit isang linggo, makipag-usap sa doktor o tagapaglaan ng pangangalaga ng kalusugan.
Walang mga over-the-counter na gamot para gamutin ang Valley fever. Dahil ang ilang sintomas ng Valley fever ay tulad ng sa COVID-19 (tingnan sa itaas) at ibang karaniwang sakit, maaaring iutos ng doktor ang ibang mga test (tulad ng pagsusuri sa dugo o chest X-ray) para makatulong na alamin kung mayroon kang Valley fever. Kung na-diagnose ka ng Valley fever, dedeterminahin ng doktor mo kung kailangan mo ng paggamot.
May mga gamot na panggamot sa Valley fever na tinatawag na "antifungals", pero hindi kailangan ito ng lahat ng tao. Maaaring kailangan ng ilang taong uminom ng mga antifungal na gamot ng ilang buwan o kahit na taon kung mayroon silang malalang sakit o ilang pangkalusugang kundisyon na nagpapahina sa immune system. Kasama sa mga taong maaaring kailanganin ng mga antifungal ang:
mga taong may malalang sakit
mga taong umiinom ng mga gamot na nagpapahina sa immune system
mga taong may kanser
mga taong may Impeksiyong human immunodeficiency virus (HIV)
mga taong nagkaroon ng organ transplant
mga babaeng buntis