Kasama sa mga taong nasa mas mataas na peligro na magkaroon ng Valley fever ang:
Ang mga taong nakatira, nagtatrabaho, o nagbibiyahe sa mga lugar na mataas ang rate ng Valley fever, lalo na kung sila ay:
- Lumalahok sa mga panlabas na aktibidad na kaugnay ang malapitang kontak sa lupa o alikabok, kasama ang mga proyekto ng pagbubungkal o landscaping
- Nakatira o nagtatrabaho na malapit sa mga lugar kung saan ang dumi o lupa ay nahalo, tulad ng mga lugar ng konstruksiyon o paghuhukay
Magtrabaho sa mga trabaho kung saan ang dumi at lupa at nahalo o naabala, kasama ang konstruksiyon, trabaho sa field, trabahong militar, at archaeology
Kasama sa mga taong nasa mas mataas na peligro ng malalang Valley fever o magkaroon ng malalang sakit kung naimpeksiyon sila ay:
Mga mas matatandang adult (60+ taong gulang)
Mga taong Black o Pilipino
Mga babaeng buntis, lalo na sa mas huling bahagi ng pagbubuntis
Mga taong may diyabetis
Mga taong may mga pangkalusugang kundisyon na nagpapahina sa immune system, tulad ng:
- Kanser
- Impeksiyong human immunodeficiency virus (HIV)
- Mga autoimmune na sakit
- Paggamit ng chemotherapy, steroids, o ibang mga gamot na nakakaapekto ang immune system
- Organ transplant
ā