Skip Navigation LinksValleyFeverBasics_tgl

valley fever

Mga Basic ng Valley Fever

Ano ang Valley fever?

Ang Valley fever (tinatawag ding coccidioidomycosis o ā€œcocciā€) ay isang sakit na dulot ng Coccidioides fungus na tumutubo sa lupa at dumi sa ilang mga lugar ng California at sa southwestern United States. Ang fungus na ito ay nakakaimpeksiyon sa mga baga at nagdudulot ng mga respiratoryong sintomas kasama ang ubo, hirap sa paghinga, lagnat, kapaguran o pagkahapo. Sa mga bihirang kasi, ang Valley fever fungus ay maaaring kumalat sa mga ibang bahagi ng katawan at magdulot ng mga malalang sakit ā€“ ang ganitong klase ng Valley fever ay mas hindi karaniwan at tinatawag na disseminated Valley fever.

Ang Valley fever ay maaaring malala at makakamatay. Bawat taon sa California, may mga 80 pagkamatay mula sa Valley fever at mahigit sa 1,000 tao ay naospital dahil dito.

Alam mo ba?

Sa California, ang daming naulat na kaso ng Valley fever ay masyadong dumami sa mga kamakailang taon. Mula noong 2000, ang bilang ng mga kaso ay tumaas mula sa wala pang 1,000 kaso hanggang sa mahigit 9,000 kaso sa 2019.

Paano ka magkakaroon ng Valley fever?

Makakakuha ka ng Valley fever sa pagsinghot ng alikabok mula sa hangin sa labas na naglalaman ng spores ng Coccidioides fungus na tumutubo sa lupa. Tulad ng mga buto mula sa tanim, ang fungus ay tumutubo at kumakalat mula sa mga napakaliit na spores na masyadong maliit para makita. Kapag ang lupa at dumi ay nabulabog ng malalakas na hangin o habang nagbubungkal, ang alikabok na naglalaman ng fungus spores na ito ay maaaring mapunta sa hangin. Ang sinumang nakatira, nagtatrabaho, o nagbibiyahe sa lugar kung saan ang Valley fever fungus ay tumutubo ay maaaring masinghot ang fungus spores na ito mula sa alikabok sa labas nang hindi alam ito at maimpeksiyon. Hindi nakakahawa ang Valley fever, nangangahulugan na hindi ito kumakalat mula isang tao o hayop papunta sa iba.

ā€‹
Ang mga hayop, kabilang ang mga alagang hayop, ay maaari ring makakuha ng Valley fever.

Ang mga hayop, kasama ang mga alagang-hayop, ay maaari ring magkaroon ng Valley fever sa pagsinghot ng fungus spores mula sa dumi at alikabok sa labas.



Saan ka magkakaroon ng Valley fever?

Karamihan ng mga kaso ng Valley fever sa California (mahigit 65%) ay naulat mula sa Central Valley at Central Coast na mga rehiyon. Ang mga tao ay mas malamang na magkaroon ng Valley fever kung sila ay nakatira, nagtatrabaho, o nagbibiyahe sa mga lugar na ito o nagbibiyahe sa mga ibang lugar kung saan naulat ang Valley fever (sa Ingles). Walang magagamit na komersiyal na test para makita kung ang Valley fever fungus ay nasa dumi o alikabok sa ilang mga lugar, pero hindi natin alam kung ang Valley fever ay na-diagnose sa mga taong nakatira sa buong California. Pinapakita ng mapa sa ibaba ang mga rate (o bilang ng mga kaso kada 100,000 populasyon) ng naulat na mga kaso ng Valley fever ayon sa county sa California mula 2014 hanggang 2018.


Dumadami ang Valley fever sa California

Mga rate ng Valley fever, California

Mapa ng mga rate ng lagnat ng Valley sa California

ā€‹

Valley Fever Tanong at Sagot

         

Mayroon ba akong Valley fever o COVID-19?

Ang Valley fever at ang COVID-19 ay may mga parehong sintomas, kasama ang lagnat, ubo, kapaguran, at pananakit ng katawan. Kung nakakaranas ka ng mga sintomas na ito, ihiwalay ang sarili mo mula sa mga ibang tao at kontakin agad ang iyong tagapaglaan ng pangangalaga sa kalusugan. Kailangan ang mga laboratory test para malaman kung ang mga sintomas ay dulot ng COVID-19 o Valley fever. Karaniwan, ang Valley fever ay nada-diagnose gamit ang pagsusuri ng dugo, pero ang lab test para sa COVID-19 ay gumagamit ng respiratoryong sample mula sa iyong ilong o lalamunan.

 

Ang Valley fever ba ay problema pa rin sa California?     

Oo. Ang daming naulat na kaso ng Valley fever sa California ay masyadong dumami sa mga kamakailang taon. Mula noong 2000, ang bilang ng mga kaso ay tumaas mula sa wala pang 1,000 kaso hanggang sa mahigit 9,000 kaso sa 2019. 

 

Sa Central Valley lang ba nahahanap ang Valley fever?     

Hindi. Bagaman karamihan ng mga kaso ng Valley fever sa California ay naulat sa mga taong nakatira sa Central Valley o Central Coast, na-diagnose ito sa mga taong nakatira sa buong California. Parami nang parami ng mga kaso ay kamakailan ding naulat sa Central at Southern California.    

    

Makakakuha ba ako ng Valley fever mula sa taong may sakit ng Valley fever?      

Hindi. Hindi nakakahawa ang Valley fever, nangangahulugan na hindi ito kumakalat mula isang tao papunta sa iba. Hindi mo makakakuha o maikakalat ang Valley fever sa paghipo o pagsama sa ibang tao o hayip na may sakit na Valley fever.

    

Makukuha ko ba ang Valley fever sa pagkakalantad sa mga pestisidyo?       

Hindi. Ang Valley fever ay dulot ng paghinga ng Valley fever fungus mula sa alikabok sa hangin sa labas, hindi mula sa mga pestisidyo. Ang fungus na ito ay tumutubo sa dumi at lupa at hindi nagmumula sa mga pestisidyo na ini-spray sa mga pananim at bukid.      

 

Maaari bang magkaroon ang mga alagang-hayop ko ng Valley fever?    

Oo. Ang mga alagang-hayop, kasama ang mga pusa at aso, ay maaaring makakuha ng Valley fever. Ang Valley fever sa mga aso ay katulad ng Valley fever sa mga tao. Kung nag-aalala ka sa peligro na ang iyong alagang-hayop ay magkaroon ng Valley fever, o kung sa palagay mo ang alagang-hayop mo ay may Valley fever, mangyaring makipag-usap sa beterinaryo.

 

Kung pinanganak ako sa Central Valley, ako ba ay immune sa Valley fever?         

Hindi. Kahit na nakatira ka sa Central Valley ng California buong buhay mo at hindi kailanman nagkasakit nito, maaari ka pa ring magkaroon ng Valley fever. Ang sinumang nakatira o nagbibiyahe sa mga lugar kung saan naulat ang Valley fever ay maaaring magkaroon ng Valley fever. Maaapektuhan ng Valley fever ang mga adult at mga batang anuman ang edad, kahit na malusog sila.      

 Ang ilang mga pangkat ng mga tao ay mas malamang malalang magkasakit mula sa Valley fever kung magkaroon sila nito. Matuto pa tungkol sa mga pangkat na nasa peligrong magkaroon ng malalang Valley fever.


Kung nagkaroon na ako ng Valley fever, ako ba ay immune na dito at hindi na muling magkakasakit? 

Depende ito. Kung nagkaroon ka na ng Valley fever, malamang ay poprotektahan ka ng iyong immune system para di na muling magkaroon nito. Subalit, sa mga bihirang kaso kung saan ang immune system ng tao ay pinahina dahil sa kungisyong pangkalusugan tulad ng kanser, organ transplant, o autoimmune na sakit, ang taong iyon ay maaaring magkaroon muli ng Valley fever.

 

Gaanong alikabok ang kailangan kong mahinga para makakuha ng Valley fever?     

Maaari kang makakuha ng Valley fever mula sa isang paghinga lang ng alikabok mula sa labas na hangin na naglalaman ng mga spore ng Valley fever fungus.

 

Ang pagsuot ba ng anumang klase ng face mask ay makakatulong na mapigilan ang Valley fever?

Ang pagsuot ng maayos na naka-fir, inaprubahan ng National Institute for Occupational Safety and Health (NIOSH) na respirator (mask) na may mga particulate filter na rated N95, N99, N100, P100, o HEPA ay maaaring makatulong na protektahan ka mula sa pagsinghot ng alikabok at mga spore na maaaring magdulot ng Valley fever. Ang mga telang face mask, simpleng dust mask (na iisa lang ang strap), mga KN95 (hindi pinatotohanan ng NIOSH), at mga pambahay na tela, tulad ng mga bimpo, bandana, at mga panyo, ay hindi nagbibigay ng parehong antas ng proteksiyon tulad ng N95 o mga mas mataas na rated na respirator. Kung kaugnay ng trabaho mo ang mga maaalikabok na kapaligiran o aktibidad na nakakaabala sa lupa, mag-click dito para matuto pa tungkol sa kaligtasan sa Valley fever sa lugar ng trabaho (sa Ingles).

Landscape ng Central Valley

ā€‹ā€‹
Page Last Updated :